Advertisers
INAPRUBAHAN ng Foods and Drugs Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization ng (EUA) ng Sinovac.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang efficacy rate ng Sinovac ay nasa mula 65.3% hanggang 91.2% sa mga malulusog na tao na nagkakaedad ng 18 – 59-anyos.
Gayunman, nasa 54% lang ang efficacy rate nito sa mga healthcare workers.
Ipinagtanggol naman ni Presidential Spokesman Harry Roque ang Sinovac na bagama’t mababa ang efficacy rate sa mga healthcare workers ay tiyak naman na mild at asymptomatic ang epekto nito sakaling tamaan ng covid-19 ang mga health workers.
Dagdag pa ni Roque, sisimulan ang bakuna kahit hindi pa naisasabatas ang Indemnity clause para sa bakuna.
Aniya, maaring makarekober mula sa indemnity fund ang sinumang makakaranas ng adverse effect ng bakuna. (Jonah Mallari)