Advertisers
By Rommel Gonzales
Muling nangunguna ang mga radio station ng GMA Network na Super Radyo DZBB 594 kHz at Barangay LS 97.1 Forever! sa Mega Manila!
Ayon sa October 2026 data ng Nielsen Radio Audience Measurement (RAM), nagtala ang Super Radyo DZBB, ang flagship AM radio station ng GMA Network, ng 56.2 percent audience share. Malayo ito sa DZRH na may audience share na 14.7 percent at sa DZMM na mayroon namang 11.4 percent.
Pagdating naman sa FM stations, nangunguna rin ang 56 percent audience share ng Barangay LS 97.1 Forever!. Sumunod dito ang Love Radio na may 16.2 percent at Yes! FM na may 7.5 percent.
Patuloy lang na makinig sa napapanahong balita, mahahalagang impormasyon, at komentaryo sa Super Radyo DZBB. Para naman sa mga nakakaaliw na programa at song requests, palaging tumutok sa Barangay LS 97.1 Forever!
Ella Arcangel movie ni Bianca Umali, nag-iisang Filipino film sa Asian Next Wave Competition ng QCinema Int’l Film Festival
Nag-iisang Filipino film at animated entry ang pelikula ni Bianca Umali na “Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko” sa Asian Next Wave Competition ng 2026 QCinema International Film Festival.
Si Bianca ang boses sa likod ng karakter na si Ella sa nasabing animated feature ng GMA Pictures na hango sa sikat na comic book series ni Julius Villanueva.
Una nang inanunsyo na ang “Ella Arcangel” ang opening film sa naturang international film festival na gaganapin ngayong November 13 to 22. Kuwento ito ni Ella, isang batang mambabarang na nakikipagsapalaran sa mundong puno ng misteryo, panganib, at labanan.
Grateful si Bianca na maging boses sa likod ng karakter ni Ella. “Isang karangalan po ang mapabilang sa ganitong festival at makasama ang mga taong para po sa sining ng pelikula ng ating minamahal na bansa,” wika ng Sparkle actress, na itinuturing ang Ella Arcangel na isang “project made by heart.”
Ang nasabing animated film ay ginawaran ng ?1.5-milyong QCinema Project Market (QPM) Philippines Co-Production Grant noong 2023.
***
Dingdong Dantes, masaya sa mga bagong karakter ng The Master Cutter Book 2
Masayang ibinahagi ni Dingdong Dantes kung gaano siya nagpapasalamat sa The Master Cutter: Anak ng Sinulid. Sa isang interview, thankful ang aktor sa suportang ibinibigay ng mga manonood ng kanilang serye. Sey ni Dingdong, “Kung wala ‘yung mga tumatangkilik at nanonood, wala naman din kami dito hanggang ngayon. Kaya nga nagkaroon ng Book Two dahil ‘yun ay request nila at gusto nila manatili ang programa.”
Samantala, kinagigiliwan naman at nae-excite rin ang cast sa pagpasok ng mga bagong karakter tulad na lamang ni Tom Rodriguez at ng dalawang beauty queens na sina Ahtisa Manalo at Herlene Budol. Dagdag pa ni Dingdong “Ang saya namin dun sa entry ng bagong characters, kagaya nila Ahtisa, Herlene, at, of course, si Tom Rodriguez, who plays a very, very important role. Sabi ko, ang intense ng role ni Tom. Ang lalim ng character niya.”
Abangan ang The Master Cutter: Anak ng Sinulid gabi-gabi sa GMA Prime. Mapapanood naman ang bagong episodes nito tuwing Biyernes sa Netflix.