Advertisers
Ni Beth Gelena
Maraming pinahanga si Kira Balinger nang gampanan niya ang katauhan nang pumanaw ang young aktres na si Julie Vega.
Bukod daw sa pisikal na pagkakahawig ni Kira kay Julie, kapansin-pansin din daw ang husay niyang gayahin ang kilos, facial expressions at paraan ng pag-arte ng tinaguriang Princess of Soap Operas.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kira ang ilang behind-the-scenes photos at videos mula sa naturang episode ng programa ni Jessica Soho.
Muling binuhay ng team ni Soho ang ilang eksena mula sa horror film na pinagbidahan noon ni Julie.
Ayon kay Kira, matagal na raw niyang na kahawig niya ang yumaong aktres kaya labis ang tuwa niya nang dumating ang pagkakataong gampanan ang isang bahagi ng buhay nito.
“When this opportunity first came my way, I was absolutely over the moon! For the longest time, people have told me that I bear a resemblance to the late Julie Vega. To be compared to someone fondly remembered as the ‘Princess of Soap Operas’ is already such an honor in itself,” saad ni Kira.
“I honestly can’t put into words how grateful I am to have been given the opportunity to portray a part of her life. It’s an experience I’ll hold close to my heart.”
Nagpasalamat din siya sa KMJS sa pagkakaloob ng pagkakataon at sa mga manonood na nagpahayag ng paghanga sa kanyang pagganap.
“Maraming salamat po, KMJS, for giving me this wonderful opportunity! And to everyone who watched, appreciated, and shared kind words about my portrayal, maraming salamat po! Your love and support mean so much to me.”
Si Julie Vega ay pumanaw noong 1985 sa edad na 16.
Matagal nang may nakabalot ng misteryo ang huling pelikula ng aktres dahil sa mga kuwentong kumalat tungkol sa umano’y paranormal na pangyayari at possession sa set habang ginagawa ito.
Samantala, hindi rin nagpigil ang netizens sa pagbibigay ng papuri kay Kira.
Komento ng isang netizen: “Iconic sobrang kamukha mo siya, sobrang gayang gaya mo galaw at acting niya.”
May isa namang nagsabing panahon na para mabigyan si Kira ng pagkakataong bumida sa isang horror project.
“I don’t know kung ako lang nakakapansin pero bagay talaga kay Kira yung mga horror genre. I think it’s time na mag bida sya sa isang horror series or film.”