Advertisers

Advertisers

MANHID ANG MANULIFE

0 44

Advertisers

Matamis mangusap ngunit hungkag sa pangakong binitawan ang tuwirang karanasan ni Gng. Corazon Resoso sa isang pasiguruhan, ang MANULIFE. Sa higit na apat na dekadang paghahanap buhay ang salaping naipon, pinaghirapan ay tila asin na nadaanan ng dumaloy na tubig, nalusaw at tumabang. Sa totoo lang, pinanghawakan ng matanda ang pangako ng MANULIFE na ‘di mawawala ang salaping ilalagak sa pasiguruhan bilang “investment” Isang Milyong Piso sa taong 2016 at nasundan ng parehong halaga sa taong 2018.

Nagtiwala si Aling Corazon, na walang hokus pokus na magaganap sa inilagak na salapi, naging kampante at ‘di nabigyan pansin ang takbo ng panahon at pananalapi hanggang sa kasalukuyang panahon. Sa inabot na pabatid sa matanda hinggil sa pananalaping inilagak sa pasiguruhan tila tinamaan ng kidlat si Aling Corazon dahil ang P2.0M pamumuhunan ay bumaba sa P1.675M sa halip na kumita. Nagdadamdam ang matanda at napatanong, anong nangyari sa aking pera sa aking pinaghirapan?

Sa pagkatanggap ng abiso ni Aling Corazon mula sa MANULIFE hinggil sa kalagayan ng pamumuhunan, tumamlay ang pangangatawan sa dahilan ng pagliit ng salaping pinag-ipunan, pinaghirapan na ipinagkatiwala sa pasiguruhan. Walang ibang banggit ang matanda sa halip pumasok sa isip kung bakit lumiit ang salaping inilagak gayung maayos ang tindig sa pananalapi ng pasiguruhan.



Sa totoo lang, bumagsak ang katawan ni Aling Corazon at naging irritable kasunod na pagkawala ng pagiging palabati sa mga kapitbahay. Ang tanong na pumasoksa isip, ito ba’y resulta sa pagkakawala ng daan-daang libong pisong pinag-ipunan na nawala sa kamay ng pasiguruhan. Walang makapagsabi sa biglang panghihina ng katawan ng matanda at iisa ang tiyak, malaki ang epekto o ambag ng pagkakawala ng salaping ipinagkatiwala sa MANULIFE.

Sa totoo lang, pangalawang pagkakataon ng pagtalakay ng Batingaw sa usapin ni Aling Corazon. Hindi mawala sa isip ang mga nakaraang karanasan na tuwirang ginalawan ng mga korporasyon na minsang natalakay sa pitak na ito ang kaparang mga usapin. Sa totoo pa rin, karaniwan na ginagalawan ng mga korporasyon binabanggit sa pitak na ito ang hinaing o reklamo ng mga parukyanong may mga usapin. Sa ilang linggong paglipas, hindi nakatanggap ng abiso ang matanda sa pasiguruhan hinggil sa pag-aayos ng usaping inilapit ni Aling Corazon.



Manhid ang pasiguruhan o sadyang ‘di pinansin ang hinaing dahil sa maliit at walang pwersa ang matanda laban sa higanteng korporasyon ng pasiguruhan. Walang layon na makipagbangga sa MANULIFE higit tangan ang kaperahan ng iba’t – ibang mga maliliit taong naglagak ng pamumuhunan na nagtiwala sa kagalingan ng pasiguruhan. Sa totoo lang, walang layon si Aling Corazon sa pakikipagbanga sa MANULIFE at ang ikinalulungkot nawala ang pagtitiwala ipaabot, di ba higit na masakit.

Ang masakit na karanasan ng retiradong kawani ng pamahalaan ang ibig ipaabot sa pamunuan ng MANULIFE na galawan ang banggit na usapin na ibalik sa dati o tamang halaga ng salapi na ipinagkatiwala sa korporasyon. Malinaw na ang hiling ni Aling Corazon, ibalik sa dating halaga ng pamumuhunan ang salaping inilagak ng magamit sa pang-araw araw na pangangailangan higit sa pambili ng gamot na kailangan.



Sa totoo lang, ang pangangailangan ni Aling Corazon sa pera’y nakaugat sa pambili ng gamot sa mga sakit na nadarama. Ang pag-agos ng panahon sa una na ‘di pansin ang takbo ng pamumuhunan ang sapat na larawan ng pagtitiwala. Subalit iba ang sitwasyon o kalagayan sa kasalukuyan na lipas na ang kalakasan sa paghahanap buhay.

Sa kabilang banda, mabigat ang tiwalang ipinagkaloob ni Aling Corazon sa MANULIFE ng ilagak ang salaping pinagpawisan sa loob ng maraming panahon. Hindi biro ang pagpili at pagtitiwala sa banggit na pasiguruhan na ‘di inasahan na ang balik na pagtitiwala’y ‘di katanggap – tanggap, pagliit ng salaping pinaghirapan na sa halip na lumaki lumiit. Walang panunuya sa banggit, ngunit nahan ang kagalingan ng mga tauhan na dumaan sa butas ng karayom bago maging bahagi ng MANULIFE.

Ang talang mababasa’y ‘di ibig ipaabot sa mga karaniwang kawani na walang pagkilos sa unang pagpapabatid sa usapin ni Aling Corazon, ipaaabot sa liderato sa Tserman o sa Pangulo ng MANULIFE galawan ang usapin ni Aling Corazon at ibang tulad na namuhunan na lumiit ang salaping inilagak sa inyong korporasyon.

Ang maibalik sa dating halaga ang halagang inilagak sa MANULIFE ang ibig ni Aling Corazon ng magamit ang salapi sa pantustos sa gamot na kailangan. Walang pagnanasa na lumaki ngunit bukas ang Ale na madagdagan higit halos isang dekada ang itinakbo ng pamumuhunan sa korporasyon, ibigay ang nararapat. At sa pagkakataon na ‘di magawa na madagdagan, mainam na maibabalik sa unang halaga at kagyat na maabisuhan ng magastos sa gamot na pangangailangan. Ang maibalik sa dating halaga’y kasiyahan at ganap ang pagpapasalamat sa pasiguruhan higit sa mga namumuno na makikinig sa hiling ni Aling Corazon at mga tulad ang kalagayan na naglagak ng pagtitiwala sa MANULIFE.

Umaasa ang Batingaw na hindi manhid at may puso ang pamunuan ng MANULIFE at kagyat na gagalawan ang hiling ni Aling Corazon na makuha ang tamang halaga na inilagak sa korporasyon. Sapat ang sampung taon na napakinabangan ng MANULIFE ang P2.0M inilagak ni Aling Corazon na ipinuhunan. Umaasa na sa darating na araw ay makakatanggap ng abiso ang matanda sa galawan na ipinaabot sa pamunuan ng MANULIFE at umaasa na ‘di maduhagi si Aling Corazon.

Sa totoo lang, pantustos sa mga gamot na pampahaba ng buhay ang ibig maibalik. Ang madamang ‘di manhid ang MANULIFE ang inaasahan ni Aling Corazon at ng Batingaw sa pamunuan ng MANULIFE. Muli, inaasahan ang galawan sa usapin ni Aling Corazon sa madaling panahon dahil sa pangangailangan na gamot na pampahaba ng buhay.

Maraming salamat po!!!!