Advertisers

Advertisers

Tumanggi sa imbitasyon; hindi mo mapipilit ang ayaw

0 33

Advertisers

Ito ang usap-usapan may tatlong (3) araw na ang nakakaraan: Tumanggi si dating Dean Ralph Sarmiento ng St. Lasalle University sa imbitasyon ng lead defense team ng akusadong si Bise President Sara Zimmerman Duterte Carpio na tumestigo para sa depensa ng huli sa Lunes, ika 9 ng Nobyembre taong ito sa pagpapatuloy ng Impeachment Trial ni Duterte-Carpio sa Senado.

Sa ganang akin, bilang isang masugid na observer sa ika-dalawang Impeach Try na ito laban sa bise president ( ang una ay naunsiyami at ang trending na issue noon ay “forthwith” na tigas na pinanindiganan ni Presiding Officer Chiz Escudero–and still he is) ang pagpapatuloy ng pagdinig sa Lunes, ika 9 ng Nobyembre ay “make or break” para sa defense team. Maraming political pundits — gayon na rin ang mga kapwa kong tutok sa Senate hearing– ang malakas ang higing-higing na mahihirapang gibain ng depensa ang mga nailahad at nabuksang “can of worms” na taal nang inililihim ng akusadong ika-2 prominenteng tao sa pamahalaang Pilipino.

Ang prosecution team sa pangunguna ni Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro ay di pa rin naglulubay, “they are not sitting on their laurels, so to say…” at nakahanda silang mga magigiting at matatalinong prosecution lawyers sa anumang “pasabog” ng depensa na magmumula sa mga piling testigong nakalinya sa Lunes na pagdinig.



Ang “pangunahing testigo” sabi ng ilang nakadikit sa defense team ay ang pag tetestigo umano ni Dean Ralph Sarmiento na inaasahan anya ng mga Duterte battery of lawyers na maaring i-level ang playing field sa pamamagitan ng ilang jurisprudence at penned decisions na makakakumbinsi at buksan ang isipan ng mga sitting senator judge na siyang maggagawad ng desisyon pagsapit ng araw ng paghuhusga — na ayon sa isang mapagkakatiwalaan “twitty bird” ng Koyang ninyo, ay “baka bago mag-Pasko?!”

Ayon na rin sa huling pahayag ni Dean Sarmiento: HINDI AKO PWEDE TUMESTIGO AS A WITNESS FOR EITHER SIDE.—na nararapat lang niyang bigyang halaga “to preserve the independence of his constitutional law scholarship and the impartiality of his legal opinions.” Tama si Dean Sarmiento na ang kanyang pagharap kung ito ay matutuloy ay baka maging mitsa ng pagasa sa magkabilang panig–mali o tama — at ayaw rin naman niya sigurong siya rin, sa kabilang banda, ang maging daan na baka ang magiging testimonya niya ay maglahad ng mixex signals sa lahat lalo na sa mga senator sitting as impeachment judges. Sa batas kasi — walang gitna! Isa lang ang dapat…kanan o kaliwa!?



Kaya mga Koyang kong tagasunod …sama-sama tayong makinig, pumuna pero ang pagbabatikos ay dapat isantabi muna. Not to be left out — let the wheel of justice take its course.