PUBLIKO, INIIMBITAHAN SA MANILA RESTAURANT WEEK STREAT FOOD FESTIVAL
Advertisers
HINIMOK ng pamahalaang-lokal ng Maynila ang mga residente na mag-avail ng mga promo at discount ng iba’t-ibang local restaurants, food stalls at manininda na kasalukuyang nagpapakita ng kanilang mga produkto at pagkain o pangunahing ‘dishes’ sa Manila Restaurant Week StrEAT Food Festival.
Ang nasabing food festival na gaganapin hanggang November 18, 2026 ay bukas araw-araw sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa harapan ng Binondo Church, mula 4 p.m. hanggang 10 p.m. Ito ay inilunsad nina Mayor Isko Moreno; Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. President Victor Lim; Manila third district Congressman Joel Chua at Councilor Jeff Lau at Frederick Siy ng Powerhouse Tools.
Inorganisa ng City Government of Manila sa pamamagitan ng Bureau of Permits at LEDIPO Manila, ang nasabing event ay kinatatampukan ng ‘Binondo Food Crawl’.
Mahigit 15 stalls ang lumalahok sa nasabing event kung saan hindi bababa sa 20 ‘distinct dishes’ mula sa Chinese restaurants sa Binondo ang pinagsama-sama sa isang lugar.
Pagpasok sa lugar, ang mga bisita ay pinapayuhang magpunta sa ‘Pasok Gusto? Scan Muna’ booth, kung saan maaring mag-rehistro sa pinakabagong web app sa Binondo, Manila at makita lahat ng uri CULINARY SHOWCASE AT MANILA RESTAURANT WEEK ng pagkain na iniaalok doon ng mga participating merchants.
Kapag rehistrado na, maaring mag-avail ng mga promos at discounted rates o di kaya ay bumili ng vouchers.
Ang nasabing web app, ay napag-alamang nasa trial period at ang grand launch nito ay gagawin sa Chinese New Year. (JERRY S. TAN)