Advertisers

Advertisers

Celfone nag-overheat: paslit nalitson ng buhay

0 214

Advertisers

NASAWI ang isang bata habang 2 senior citizens ang sugatan sa sunog sa bayan ng Lupon, Davao Oriental.
Sa ulat, nasawi ang 7- anyos na babae sa sunog sa Barangay Don Mariano Marcos, Lupon 3:00 ng madaling araw noong Biyernes.
Limang bahay ang natupok sa insidente.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog sa pag-overheat ng naka-charge na cellphone.
Aabot sa P250,000 ang halaga ng pinsala sa ari-ariang iniwan ng sunog.
Paalala ng BFP, bantayan ang pag-charge ng cellphone lalo kung lmababang klase ang charger.