Advertisers

Advertisers

CBCP SA KABATAAN: MAGPAREHISTRO NA PARA MAKABOTO!

0 280

Advertisers

NANAWAGAN ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) official sa mga kabataan na nasa wastong edad na magparehistro para makaboto sa May 2022 national and local elections.
Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Youth (ECY) chairman at Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, ang kapangyarihang bumoto ay isang mahalagang tungkulin at pananagutan para sa bayan.
Iginiit ng Obispo na tanging sa pamamagitan ng pakikibahagi sa halalan at pagpili ng mga karapat-dapat na mga opisyal, nagkakaroon ng totoong partisipasyon ang taumbayan sa usapin ng pulitika at pamamahala sa bansa.
Binigyang-diin pa niya na ang isang boto ay napakahalaga at makapangyarihan upang magdulot ng pagbabago at pag-unlad sa kinabukasan ng bansa.
“I invite, encourage and urge our young people to register for the upcoming election because yun ang ating contribution at ang atin ding obligation sa society and sa community yung pagpili ng ating mga leaders and that is also how we participate. Elections are times when we participate directly in governance also that is how we also make a difference even by single vote speak of what is call the power of one, kahit isa ka lang napaka-powerful yan,” pahayag pa ni Alarcon, sa panayam ng church-run Radio Veritas.
Ang voter registration sa bansa ay nakatakdang magtapos sa Setyembre 30, 2021. (Andi Garcia)