Advertisers

Advertisers

Van bumaliktad: 3 patay, 5 sugatan

0 300

Advertisers

TATLO ang nasawi at lima ang sugatan nang bumaliktad ang isang van sa Sipocot, Camarines Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Raul Bea, 47 anyos, driver ng Toyota Hi Ace van, ng Barangay Bonga, Bacacay, Albay; Mark Bellen ng Bacacay; Cezar Beronio; at John Dave Bosilas na pawang pasahero ng van.
Ang limang pasaherog sugatan ay ginagamot pa sa hospital.
Sa ulat, habang binabaybay ng van ang South bound lane ay biglang nawalan ng kontrol ang driver dahilan upang bumaliktad ang sasakyan.
Agad na binawian ng buhay ang tatlong sakay at nagtamo naman ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang limang iba pa.