Advertisers

Advertisers

Pulis nahuli-cam inilagay sa tabi ng napatay na “tulak” ang ipinaputok na baril

0 285

Advertisers

UMANI ng sari-saring reaksyon ang lumutang na kuhang video na makikita ang isang pulis na ipinapaputok ang kalibre 38 na baril ng suspek na napatay sa drug-buy bust operation sa Purok 4, Barangay Batangan, Valencia City, Bukidnon.
Kinilala ang naturang pulis na si Corporal Benzon Gonzales. Habang ang napatay na drug suspect ay kinilalang si Pol Estañol.
Sa ulat, nangyari ang operasyon Pebrero 20 sa Barangay Batangan.
Ito ay matapos unang nagbigay ng narrative report ang Valencia City Police Station sa Police Regional Office 10 na nakapagsagawa sila ng buy bust operation laban kay Estañol kasama ang ibang special units subali’t kanila umanong napatay nang manlaban dahil ayaw magpaaresto.
Subali’t ang hindi alam ng mga operatiba na kinunan ng actual video footage ang pangyayari mismo ng pamilya ng suspek kaya nahagip ng celphone camera ang bahagi na pinulot ni Cpl Gonzales ang kalibre 38 na baril at tatlong beses ipinapapuputok, tumugma sa recovered fired cartridges sa crime scene.
Bagamat mayroon ding recovered fired cartridges ng 9mm pistols mula sa mga otoridad na ginamit nang i-neutralize ang suspek sa operasyon.
Subali’t paliwanag ni Valencia City Police Station commander Lt Col Cipriano Bazar Jr., kaya naipaputok ni Cpl. Gonzales ang baril ng suspek dahil sa sobrang galit sa kasagsagan ng operasyon.
Iginiit ni Bazar na lehitimo ang kanilang operasyon laban sa suspek at hindi sila nagtatanim ng mga ebidensiya.
Katunayan, ipinaubaya na lamang nila sa provincial office ng Bukidnon PNP ang pangyayari upang maiwasan ang haka-haka na mayroong white wash o cover up sa naturang operation.
Pero ilang araw ng pagkapatay sa suspek at pagkalat ng video ay pumanaw rin si Cpl Gonzales noong Pebrero 28 dahil umano sa aksidente.