Advertisers

Advertisers

Mga Pinoy na nawalan ng trabaho wala nang aasahang ayuda – Malakanyang

0 309

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malakanyang na wala nang aasahang tulong pinansiyal mula sa pamahalaan ang mga Filipino na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya sa COVID-19.
Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority na nasa 4.5 milyong Filipino ang nawalan ng trabaho noong 2020 dahil sa pandemya.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa halip na Social Amelioration Program, luluwagan na lamang ng pamahalaan ang pagbubukas sa ekonomiya.
Giit pa ni Roque, pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ang pagluluwag sa age group na maaring makalabas ng bahay.
Dahil sa pandemya, tanging ang mga nag-eedad 15 hanggang 65 lamang ang pinapayagan na makalabas ng bahay.
Sinabi pa ni Roque, dadagdagan din ng pamahalaan ang pagbubukas ng transportasyon.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan I at II na nagbibigay ng pinansyal na ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Filipino at ang mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)