Advertisers
DUMATING na sa Bangkok ang Tokyo Olympics bound Irish Magno at ilan pang Olympic hopefuls para sa two-month training camp sa Koh Samui Island sa Thailand.
Kinumpirma ni Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) secretary general Ed Picson Magno at siyam na iba pang boxers at limang coaches ay bahagi ng delegation para sa Team Philippines.
“The team left on invitation of the Thai Boxing Federation,” Wika ni Picson. “We are very grateful to Thailand Boxing Association president Pichai Chunhavajira for his initiative.”
Ang national team ay may dalawang boxers para sa Tokyo Olympics Eumir Marcial at Magno. Nakuha ang kanilang slots via Olympic Qualifiers na ginanap sa Ammam,Jordan nakaraang taon.
Kinansela ng Organizers of boxing world Olympic qualifiers sa Paris ang event kahit sinabi ni ABAP chief Ricky Vargas na world rankings ang gagamitin para ma- determina ang natitirang slots para sa lahat ng weight groups para sa male at female.
Si Magno ay kasama ang ibang Olympic aspirants gaya nina Nesty Petecio at Carlo Paalam sa loob ng training bubble sa Calamba, Laguna habang si Marcial ay kasalukuyang nasa Los Angeles, California.
Sinabi ni Picson na kinakausap ng ABAP ang handler ni Marcial sa MP Promotions kung puwede sumama si Marcial sa training camp sa Thailand.
Ang boung national team, ayon kay Picson, ay i-quarantined kapag dumating sila galing Manila. Pagkatapos ang athletes at coaches bago tumuloy sa Koh Samui Island.
“They’ll have training and competition sparring until April 10. Then they move to Muaklek outside of Bangkok,” Wika nya.
Maliban sa training camp sa Thailand, sinabi ni Picson na ang ABAP ay may posibilidad na mabigyan pa ng dagdag na international exposure ang boxers na lumahok sa ASBC tournament sa New Delhi sa Mayo 21-30.