Advertisers
BALIK-KULUNGAN ang dalawang lalaki nang mahulihan ng tinatayang P1.3 miyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Quezon City, Huwebes ng gabi.
Nasakote ang isang alyas “Bunso” at alyas “Waldo” sa ikinasang operasyon ng Quezon City Police District Station 4 alas-10:30 ng gabi sa Barangay Gulod, Novaliches.
Napag-alamang target ng operasyon si “Bunso,” 31 anyos, nasa drug watchlist ng Barangay Gulod at dati nang nakulong sa pagtutulak ng droga.
Binitbit din ang kasamahan niyang si Waldo na dalawang beses nang nakulong sa droga.
Muling kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.