Advertisers

Advertisers

3 kalabaw patay, bata sugatan sa kuryente

0 257

Advertisers

MASUWERTE na nakaligtas ang isang bata at patay ang tatlo nitong alagang kalabaw nang makuryente sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Joel Bacong Jr., 12 anyos, ng Barangay Edcor, Buldon, Maguindanao.
Ayon sa report ng Buldon Municipal Police Station (MPS) habang nagpapastol ang biktima sa gilid ng kalsada, biglang bumagsak ang isang poste ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco-PPalma).
Tumama ang live wire ng Cotelco sa tatlong kalabaw at agad nangisay.
Masuwerting sugat lamang ang natamo ng bata at nakaligtas sa malakas na boltahe ng kuryente.