Advertisers
NAGTUNGO ang 33-anyos na lalaki sa Sasa Police Station upang ipa-blotter ang kanyang 2-araw palang na girlfriend nang hiwalayan siya nito dahil lang sa maliit ang kanyang ari sa Davao City.
Kinilala ang nagreklamo na si Gerry (itinago ang apilyido), wifi installer, residente ng Doña Salud, Sasa Davao City; habang ang kasintahan nito ay kinilalang si Maricel, 30, hiwalay sa asawa, beautician, at taga- Buhangin, Davao city.
Ayon sa report, nagtungo si Gerry sa istasyon ng pulis nitong Huwebes, March 11, at inireklamo ang kanyang kasintahang si Maricel na kinuha ang kanyang wallet na may lamang pera na P3,440 at identification cards (IDs) at nagtungo sa Doña Salud Village.
Sa ulat, napag-alaman na da-lawang araw pa lamang ang relasyon nila Gerry at Maricel, at sa unang gabi ng kanilang pagsasama sa kama ay nagalit si Maricel nang makita nitong maliit ang pagkalalaki ni Gerry.
Inamin ni Gerry sa kanyang kaibigan na talagang maliit lamang ang kanyang ‘kargada’ subali’t ang inaalala nito ay ang pagkuha ng kanyang IDs ni Maricel.
Kaya naisipan ni Gerry na ipa-blotter si Maricel upang mapilitan itong ibalik ang kanyang gamit.