Advertisers
DAHIL sa naitalang mataas na kaso ng coronavirus disaese 2019 (COVID-19), anim na barangays sa Maynila ang idineklarang critical zone at isinailalim sa apat na araw na lockdown.
Ito ay ang Barangay 185, Tondo; Barangay 374, Sta. Cruz; Barangay 521, Sampaloc; Barangay 628, Sta. Mesa; Barangay 675, Paco; at Barangay 847, Pandacan.
Ang mga barangay na ito ay nakapagtala ng higit 10 active cases ng COVID-19 kungsaan karamihan sa mga nagpopositibo ay pami-pamilya.
Nagsimula ang lockdown nitong hatinggabi ng Miyerkoles, March 17, na tatagal hanggang Sabado, March 20.(Jocelyn Domenden)