Advertisers
NAG-RALLY ang short-handed Dallas Mavericks buhat sa 22-point deficit sa second half upang buhatin ang Utah Jazz sa 122-114 wagi kahapon sa LakeBuena Vista , Florida.
Pinamunuan ni Tim Hardaway Jr. ang opensiba ng Mavericks sa kinamadang 27 points, habang si Seth Curry nagdagdag ng 22, Boban Marjanovic bumakas ng 20 points at nine rebounds, sa pinakamalaking comebackng Mavericks simula noong February 2016, dahil sa panalo ay nagkaroon ng manipis na tsansa ang Dallas na masikwat ang No.5 seed sa Western Conference playoffs.
“I loved the comeback,” wika ni Dallas coach Rick Carlisle. “I love winning. I hate losing. I love winning for the feeling that our guys get from doing something together.”
Wagi pa rin ang Dallas sa kabila ng hindi paglalaro nina Luka Doncic at Kristaps Porzingis, na parehong nagpapahinga dahil sa natamong injuries. habang ang Utah ay naglaro na wala ang star player Donovan Mitchell at coach Quin Snyder.
Ang Utah ay bigo ang tatlong sunod-sunod na laro at lima sa pitong games sa Florida bubble.
Utah ay pinamunuan ni Jordan Clarkson, na umiskor ng 18 points, habang si Rayjon Tucker nag-ambag ng 17 points off the bench, Georges Niang na nagtapos ng 13 points kabilang ang apat na 3-points attempts, ay nagsalita na hindi siya nababahala tungkol sa three-game losing streak.
“I don’t think you need to be worried abouthaving momentum going into the playoffs,” Wika ni Niang. “These guys know the magnitude of the playoffs and what it means to be in the playoffs.”
Ang susunod na makakaharap ng Mavericks ay ang Blazers sa Miyerkules.(Danny Simon)