Advertisers
BUMUO na nitong Huwebes ng puwersa ang anti-administration groups para sa pagtayo ng unified opposition ticket para sa May 2022 national elections.
Pinamunuan ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, ang bagong buong coalition na tinawag na “1Sambayan” ay layuning makapagparada ng isang tiket lamang sa national candidates – president, vice president, 12 senators – na lalaban sa team ni President Rodrigo Duterte.
Sa news conference pagkatapos ng paglunsad, sinabi ni Carpio na nagkaroon na sila ng inisyal na pagtalakay sa mga posibleng kandidato para sa pagkapangulo at ikalawang pangulo: Manila Mayor Isko Moreno, mga Senadors na sina Nancy Binay at Grace Poe, Vice President Leni Robredo, at dating Senador Antonio Trillanes IV.
“We are prepared to accept suggestions and nominations from everyone. So we are not foreclosing the candidates that we will consider and we will go through the process,” pahayag ni Carpio.
Ang proseso ng pagpili ay sa pamamagitan ng surveys at interviews sa potential candidates. Ang mga indibidwal na ito ay susuriin base sa kanilang track records, pananaw sa mga importanteng isyu, polisiya, plataporma, at kakayanan.
Ang nag-ayos at supporters ng 1Sambayan ay kinabibilangan nina Carpio, dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, dating Education secretary Armin Luistro, dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario, dating Commission on Audit commissioner Heidi Mendoza, National Union of Peoples’ Lawyers chairman Neri Colmenares, Magdalo party-list, mga labor group, at iba pa.
“All those who have joined the coalition have agreed to respect the decision of the convenors on who will be the candidates of the democratic forces,” paliwanag ni Carpio. “This is the understanding of everybody that unless we are united we cannot win in 2022.”
Sa isyu ng pondo para sa national campaign, sinabi ni Carpio: “We all know that if the candidate is viable, a lot of people will help.”
“It’s important to have a very viable candidate. It’s important to remain united. Once the contributors see this, they will be there to support,” sabi ng honorableng retired Justice.
Sabi naman ni Colmenares: “Many of us are here today precisely because we are unified that the issue of 2022 elections, when another Duterte comes into power, will be substantially affecting our survival as a nation.”
Isa sa kanyang video message, binira ni Carpio ang Duterte administration sa “mishandling” ng COVID-19 pandemic, South China Sea policy, hakbang sa pag-amyenda sa1987 Constitution, at mga banta laban sa mga negosyo, media entities at mga kritiko.
Nahaharap din ang gobyerno sa pag-abuso sa ‘war on drugs’ nito.
“The Filipino people deserve a better government,” sabi ni Carpio. “There are Filipino leaders who can do a much better job of running the government, reviving the economy, creating jobs for our people, and defending our territory and sovereign rights in the West Philippine Sea.”
Si Duterte ay nananatiling popular sa kabila ng mga kritisismo sa kanyang mga polisiya at mga pahayag. Hindi pa siya nag-eendorso ng kanyang potential successor pero sinabi niya kamakailan na ang kanyang dating longtime aide at confidante, Senador Christopher “Bong” Go, ay gusto maging pangulo.
Sinabi na ni Go na wala siyang plano maging pangulo, pero handa siya kapag tatakbong Vice President si Duterte.