Advertisers

Advertisers

Bangkay ng medic na misis ng napatay na opisyal ng NPA iniwan sa kubo

0 283

Advertisers

IPINASAKAMAY na ng militar sa pamilya nito ang bangkay ng isang medical officer ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na iniwan ng mga kasamahan nito sa isang kubo sa Sitio Fukong, Barangay Gawa-an, Balbalan, Kalinga.
Kinilala ang nasawi na si Nora Miguel alyas Gemay, medical officer ng Komiteng Larangan Guerilla (KLG) Baggas ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC), at asawa ng napatay na si Rudy Daguitan alyas Pinpin na political officer/instructor ng kaparehong grupo.
Maaalalang noong Lunes, March 15, ay unang natagpuan ang bangkay ni Daguitan na iniwan din ng mga rebelde sa kubo ng mga ito na nakubkub ng militar matapos ang eng-kwentro sa Babacong, Gawa-an, Balbalan, Kalinga.
Sa report ng 5th Infantry Division ng Army, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente na kasama sa mga nasawi sa engkwentro ang asawa ni Daguitan. Natagpuan ito ng mga sundalo sa paggalugad nila sa kabundukan at ibi-naba sa tulong ng mga sibil-yan.
Batay sa DND-DILG Joint Order on Reward, si Miguel ay may patong sa ulo na P400,000 at nahaharap sa mga kasong double murder at multiple frustrated murder.