Advertisers
Patay ang limang katao sa nasunog na residential area sa Corinthian Gardens, Barangay Ugong Norte, Quezon City.
Kinilala ang mga biktima na mga miyembro ng pamilya Yu na sina Engr. Gilbert, Abigail, Charito, Ryan at Rita; at dalawa rin ang naiulat na sugatan.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng mga Yu bandang 1:57 ng madaling araw na umabot ikalawang alarma.
Tuluyan itong naapula ganap na 5:25 ng umaga.
Batay kay BFP-QC chief of operations Fire Chief Inspector Joseph Del Mundo, nahirapang makapasok ang mga bumbero dahil sa secured ito ng grills at makakapal ang bintana.
Walang ibang bahay ang nadamay sa sunog.
Sinabing umabot sa P50 milyon ang pinsala at patuloy naman ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog. (Boy Celario)