Advertisers
UMABOT na sa 102 miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Central Luzon ang nagpositibo sa COVID-19.
Sinabi ni Brig. General Valeriano De Leon, Region 3 director, na isinailalim ang mga pulis na nagpositibo sa 14 araw mandatory quarantine.
Kaugnay nito, limitado muna ang pagtanggap ng mga bisita sa kampo. Ipinagbabawal rin ang mga pagtitipon, habang gagawin na lamang via online ang mga seminar at conference. (Thony D. Arcenal)