Advertisers

Advertisers

ARMY CAPT. AT CORPORAL TIMBOG SA GUN SMUGGLING!

0 564

Advertisers

DINAKIP ang isang opi-syal ng Philippine Army at enlisted personnel sa joint AFP, PNP operations sa Purok Gemelina, Sanito, Ipil, Zamboanga Sibugay province nitong Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ni Western Mindanao Command (Wesmincom) commander, Lt.Gen. Corleto Vinluan Jr., ang mga naarestong sundalo na sina Captain Christopher Galvez Eslava, 41 anyos, residente ng Cabilao, Makilala, North Cotabato; at Corporal Ryan Laure Larot, 35, ng Barangay Banali, Pagadian City.
Sa ulat, nahuli ang dalawang sundalo sa gun smuggling activities. Kasalukuyan silang nakakulong sa Ipil Municipal Police Station.
Nakumpiska sa posisyon ng dalawang sundalo ang isang caliber 5.56 M4 carbine, 1- 5.56mm M4; make colt carbine; isang cal. 5.56M4 TRIARC System, dalawang 9mm pistol, Glock 19; isang rifle grenade; tatlong 40mm grenade; anim na M16 magazines, tatlong cal. .40 magazines at nasa P1.2 million boodle money.
Siniguro ni Vinluan ang ‘due proces’ sa dalawang nahuling sundalo at tiniyak na hindi ito-tolerate ang iligal na aktibidad ng kanilang mga sundalo.
Giit ni Vinluan, magsasagawa rin ng sariling imbestiga-syon ang AFP hinggil sa insidente, at sasampahan ng kaukulang kaso sa ilalim ng ‘rule of law’.
Kapwa naka-assign sa Regional Community Defense Group-9, Army Reserve Command (ARESCOM) ang dalawa.
Samantala, sinabi ni PNP OIC, Lt.Gen. Guillermo Eleazar, makikipag-ugnayan din sila sa AFP para tulungan silang ma-validate ang identity ng dalawang sundalo na nasa kustodiya ngayon ng PNP. ( Koi Laura)