Advertisers

Advertisers

Mga VIP sa bakuna, tatalupan ni Bong Go

0 330

Advertisers

LUMIKHA si Senator at Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go ng subcommittee on all COVID-19-related matters sa ilalim ng Committee on Health upang talupan ang mga umano’y VIP sa COVID-19 vaccinations.

“Kamakailan lang, nakarating po sa akin na nagkakaroon ng pabor-pabor kapag nakarating na ang mga bakuna sa mga LGUs. Doon nakakalusot ang mga pa-VIPs. Hindi po ito katanggap-tanggap. Sino ba ang nagpapalusot nitong mga pabor-pabor na ito?” ayon kay Go.

“Kung kailangang imbestigahan ito, gawin po natin. Suportado ko po ang anumang imbestigasyon para malaman natin kung ano ang totoong sitwasyon. Imbestigahan natin, panagutin natin, at tulungan nating maitama ang mali. Ako naman, tulad ng sabi ko noon, hindi ako magdadalawang isip na magsalita at hindi ko ipagtatanggol ang mali,” idinagdag ng senador.



Ayon kay Go, bilang senador at inihalal ng mga Filipino, wala siyang papanigan o poprotektahang mga panig.

“I am not here to protect any side. I am not here to protect the administration or the opposition. I am here to protect the interest of the Filipino people. I am here to protect the people I serve and those we represent,” sabi ng mambabatas.

“While I have always remained supportive of the goals of the administration, nandito ako para sa interes ng Pilipino. As Chairman of the Committee on Health and Demography, I have always remained neutral on issues and never hesitated to call out agencies about their lapses in the COVID-19 response, if and when needed,” ipinunto niya.

Ipinaliwanag ni Go na nilikha ang subcommittee upang mapawi ang anumang uri ng pagdududa sa imbestigasyon.

“Let us put politics aside. Ayokong mapulitika ang Committee on Health lalo na sa panahong ito kung kailan ang kapakanan ng Pilipino ang dapat nating inuuna. Maraming oras na po ang nasasayang sa pagdududa at ayokong makadagdag pa,” sabi ni Go sa kanyang privilege speech.



Ayon kay Go, ang subcommittee ay pamumunan ni committee’s vice chairperson, Senator Pia Cayetano.

“Gusto ko lang po maalis ang pagdududa. Marami pang imbestigasyon at hearings ang pangungunahan ng Committee on Health ngayong panahon ng pandemya,” ani Go.

“Simula pa nga lang ng vaccine roll out at nasa first batch pa lang tayo ng mga bakuna, may mga alegasyon na tayong natatanggap ukol sa hindi tamang implementasyon ng vaccine program at kasama po ninyo ako dito sa Senado na gustong malaman ang katotohanan,” idinagdag niya.

Hiniling din ni Go sa National Task Force na i-update ang Senado sa estado ng vaccine rollout at ipaliwanag kung bakit may naiuulat na VIPs at hindi nasusunod ang order of priority.

“We should get to the bottom of this and ensure that our National Vaccine Roadmap is not jeopardized,” anang senador. (PFT Team)