Advertisers

Advertisers

Military reservist nakikitang rekomendasyon para sa augmentation sa ospital – Usec. Vergeire

0 238

Advertisers

NAGPULONG na ang Department of Health (DOH) at ang Inter-Agency task Force (IATF) at mga local government nitong Sabado kaugnay sa augmentation ng health workers sakaling magdagdag ng kapasidad sa mga ospital na napupuno na.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang nakikitang rekomendasyon ay ang ating “military reservist” .

Nangako na rin aniya si National Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang mga military reservist ay pinakikilos na para mabigyan ng augmentation ang human health resources sa mga ospital.



Mayroon na rin aniyang allocation sa iba’t-ibang ospital na makapag-hire pa ng karagdagang CADRI’s o Capacity for Disaster Reduction Initiative ang mga ospital.

Inanunsyo na rin aniya ni DPWH Secretary Mark Villar ang pagbubukas ng karagdagang kama sa specific na ospital, modular hospitals sa April 8.

Ayon pa kay Vergeire, isa rin sa pinagtitibay ngayon para ma-decongest ang mga ospital ay ang referral na coordinated sa pamamagitan ng One Hospital Command.

Hiniling naman ng DOH sa mga local government units na magsagawa ng “triaging” ng mga pasyente na bago pa man pumunta sa ospital ay na-assess na sa local government para hindi napupuno ang mga emergency rooms. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">