Advertisers
NASA 39 health workers na ang binawian ng buhay dahil sa sakit na COVID-19.
Sa pinakahuling tala na inilabas ng Department of Health (DOH), umabot na sa 5,644 ang kabuuang bilang ng health care worker na nagpositibo sa COVID-19.
Sa bilang, nasa 4,938 ang gumaling sa naturang sakit.
Samantalang 667 ang active cases sa hanay ng health care workers.
Sa bilang na ito ng mga aktibong kaso, 486 ay pawang mild cases at 174 asymptomatic.
Nasa 5 naman ang severe condition o malala ang kondisyon habang 2 nasa kritikal na kondisyon.
Kaugnany nito, muling nanawagan ang DOH sa publiko na huwag i-discriminate ang health care workers at sa halip suportahan at pagkatiwalaan ang mga ito na nagseserbisyo at lumalaban sa COVID-19.
Kamakailan ay isang nurse ang pinalayas ng kanyang landlady sa boarding house sa Makati City dahil nagpositibo ito sa COVID-19. (Jocelyn Domenden)