Advertisers
DALAWA ang nasawi sa dalawa ang kritikal sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Jibolo, Janiuay, Iloilo.
Ayon kay Police Master Sergeant Eddie Roncal, imbestigador ng Janiuay Municipal Police Station, papauwi na ang mag-asawang John at Analyn Marino sa Barangay Jibolo, habang ang mag-amang Mark Joseph at Josefino Ajino, 50 anyos, ay papauwi naman sa Barangay Cahaguichican, Pototan.
Ayon sa report, nag-overtake sina Ajino sa isang traysikel dahilan ng pagsalpukan ng motorsiklo nila sa motorsiklo ng mag-asawang Marino.
Namatay si John Marino gayundin si Josefino Ajino.