Advertisers

Advertisers

Food delivery driver naghatid ng pagkain sa bangko, bulagta sa sekyu

0 346

Advertisers

Patay ang delivery boy ng Food Panda nang barilin ng security guard nang pinaghatirang pagkain sa bangko sa Robinsons Place Iloilo sa J. De Leon Street, Iloilo City.
Kinilala ang biktima na si Joemar Sanchez ng Brgy. Bitoon, Jaro, Iloilo City.
Habang ang salarin kinilalang si Argie Solis, ng Laua-An, Antique at security guard ng Malayan Bank.
Ayon kay Police Captain Shella Mae Acanto Sangrines, hepe ng Iloilo City Police Station 1, na nagalit ang guwardya nang inilapag ng delivery boy ang pagkain sa kanyang logbook.
Ang pagkain ay para sana sa empleyado ng bangko.
Humingi ng paumanhin ang biktima ngunit bigla na lang siyang binaril ni Solis na kaagad na tumakas matapos ang krimen.