Advertisers

Advertisers

Pahinante ng trak timbog sa P.4m shabu

0 241

Advertisers

KULONG ang isang pahinante ng trak nang mahulihan ng malaking halaga ng shabu sa anti-drug operation ng joint operatives ng Quezon at Lucena PNP Drug Enforcement Unit sa Purok Central, Barangay Ibabang Dupay noong Biyernes Santo.
Kinilala ang naaresto na si Adonis Alay, 48, residente sa Brgy. Ibabang Dupay.
Ayon sa ulat, 3:30 ng hapon nang isagawa ng mga otoridad ang buy bust operation laban kay Alay.
Nakuha buhat sa pag-iingat nito ang apat na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 20.2 gramo na nagkakahalaga ng P412,080.00.