Advertisers
DINAKIP ng pulisya ang isang Chinese manager ng isang shopping mall matapos ireklamo ng pandadakma sa maselang bahagi ng katawan ng apat na empleyada sa Barangay Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan.
Kinilala ang inaresto na si Jackson Uy, nasa hustong gulang, general manager ng 588 Shopping Mall sa Pulilan.
Naghain ng reklamo ang apat na babae na umano’y nakaranas ng pambabastos ng Intsik na bigla na lamang dinadakma ang kanilang maseselang bahagi ng katawan.
Bukod sa apat, may 15 pang babae na empleyada ng naturang mall ang nakatakdang magsampa rin ng kaukulang reklamo laban sa Chinese.
Nagaganap umano ang pangmamanyak ng suspek sa oras ng trabaho ng mga em-pleyada.
Dagdag pa sa mga reklamo ng mga biktima ang hindi makataong pagtrato ng Intsik tulad ng 12 oras na pagtatrabaho na binabayaran lamang ng P300, at ang hindi pababayad ng mga ipinasok nila na holiday at iba pa.
Samantala, detenido nga-yon ang suspek sa kasong pa-labag sa kasong sexual harassment at Act of lasciviousness.
(Thony D. Arcenal)