Advertisers

Advertisers

DFA nais na idaan sa diplomatic channels ang protesta sa China

0 205

Advertisers

PURSIGIDO si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., ang pagkonsidera na idaan sa mga diplomatic channels ang protesta laban sa China matapos ang pahayag ng huli na ang Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea ay bahagi ng kanilang teritoryo.

Desisyon aniya ito ng kalihim matapos ang makailang ulit na pag-aangkin ng China sa nasabing lugar.

Matatandaang naghain na ang bansa ng diplomatic protest matapos na mamataan ang mahigit 200 na Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.



Pagtatanggol naman ng China na nandoon lamang ang mga barkong pangisda ng China dahil sa nagpapalipas lamang ang ito ng sama ng panahon.