Advertisers
AMINADO si Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi sapat ang isang libong piso ayuda para sa mga naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Gayunman, idinepensa ni Roque na bagama’t hindi sapat ang isang libong pisong ayuda ay kung tutuusin pitong araw lang naman na kita ang nawala sa mga apektado ng ECQ dahil ang unang linggo ng ECQ ay tumapat ng Semana Santa kung saan dalawang araw lang talaga ang nawalan ng kita.
“Aminado naman ako, hindi talaga sapat ang isang libo pero assistance lang naman yan, at one time aid lang,” ani Roque.
Dagdad pa ni Roque, malabo nang ma-extend pa ang ECQ dahil mismong Department of Budget and Management (DBM) na rin ang nagsabi na one time aid lang ang ayuda ngayong ECQ at hindi na kakayanin pa ng gobyerno na mamigay ng ayuda sakaling mapalawig pa itong muli.
Inaasahang matatanggap ng mga beneficiaries ang P1K cash or in kind aid simula ngayong araw ng Martes.
Ang National Capital Region (NCR) Plus bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Laguna ay nasa ilalim ng ECQ hanggang Abril 11 bunsod ng mataas na covid cases. (Jonah Mallari)