Advertisers

Advertisers

‘Ekonomiya ng Pinas mas malala sa pagtatapos ng 2021’

Silip ng global think tank

0 299

Advertisers

MAS magiging malala pa ang ekonomiya ng bansa sa pagtatapos ng taong 2021 dahil sa pagtaas ng covid cases sa bansa.

Ito ang nakikita ng Global Think Tank na Capital Economics, inaasahang babagsak ng 12% ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas, higit na mas mababa kumpara sa pre-crisis trend, at pinakamalaking gap sa anumang bansa sa Emerging Asia region.

Bago ang covid pandemic ay nasa 6% ang economic growth ng Pilipinas.



Dahil dito, mula sa assessment na “bad” ay nasa kategoryang “worse”na ang kalalabasan ng ekonomiya ng bansa dahil na rin sa muling pagpapatupad ng Enhanced Community quarantine (ECQ) na lubhang nakaapekto sa ating ekonomiya.

Nauna rito, isinailalim sa isang linggong ECQ ang National Capital Region (NCR) Plus Bubble mula Marso 29 hanggang Abril 5 at saka pinalawig hanggang Abril 11 dahil na rin sa mataas na bilang ng covid cases.

Sa mga nakalipas na araw ay nakapagtala pa ng mahigit 15 libo new cases, dahilan upang palawigin pa ng isang linggo ang ECQ. (Jonah Mallari)