๐๐๐ ๐๐ก๐จ๐ฉ๐ฉ๐๐ซ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ค: ๐ ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ฉ๐๐ญ๐๐ฒ
Advertisers
NASAWI ang apat na miyembro ng Philippine Air Force (PAF) habang isa ang sugatan nang bumagsak ang sinasakyan nilang choper para magsawa ng training sa Cauayan City, Isabela.
Nakilala ang mga nasawi na sina Maj. Christopher Cesar A. Urbano, Cpt. Fiorelio D. Bernardo, 1Lt Mike Tuesday T. Tabigne; at SSgt John Christopher R. Taguiam.
Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang sugatang si A1C Gerry S. Aviles, Jr.
Ayon kay MGen Edgard Arevalo, spokesman ng Armed Forces of the Philippine (AFP), 6:58 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Tactical Operations Group -2 area sa San Fermin, Cauayan City.
Nabatid na nag-take off ang Huey Helicoper, may tail number 8303, sakay ang 5 sundalo upang magsagawa ng proficiency training para sa night flying.
Ilang minuto ng pag-take off ay bumaksak ang choper sa hindi pa batid na kadahilanan.
Sinabi ni Arevalo na nagpaabot na sila ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing biktima habang ipinag-utos nito ang pagkakaloob ng pangangailangan medical ng sugatan crew.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng PAF upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng choper. (๐ด๐๐๐ ๐ถ๐๐๐๐๐
๐)