Advertisers
POSIBLE pa rin na muling ipatupad ang Enhanced Community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ibang probinsya sakaling hindi makontrol ang pagtaas ng covid cases.
Ito ang bahala ni Dr. Ted Herbosa, adviser ng National Task Force against covid 19.
Ayon kay Dr. Herbosa, bagama’t isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR+ at iba pang probinsya, bukas pa rin ang pamahalaan na aakyat ito sa ECQ kung kinakailangan.
“Like in any disaster or chaos, you are ready to actually move back to a stricter ECQ, “Remember, modified ECQ is still an ECQ. It’s still an ECQ, we just modify it with lesser restrictions.” ani Herbosa.
Ang NCR+,Isabela,Abra at Quezon Province ay NASA ilalim ng MECQ hanggang Abril 30.
Paliwanag pa ni Herbosa, ibinalanse ng Inter Agency Task force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang desisyon sa pagitan ng kalusugan at ekonomiya.
Nakapokus umano ang gobyerno sa padagdag ng isolation facilities at pagbili ng antigen tests upang solusyonan ang mataas na covid cases. (Jonah Mallari)