Advertisers
DEAD ON THE SPOT ang numero unong most wanted ng Manila Police District na “hitman” ng “Balong Drug Group” nang makipag-engkwentro sa mga operatiba ng DID-DPIOU, MDIT-RIU-NCR, TSD IG, Bulacan Provincial Intelligence Branch at San Rafael Municipal Police Station sa Sitio Bacood, Barangay Tambubong, San Rafael, Buacan.
Kinilala ang napaslang na si Leopoldo Dumdumaya Jr. alyas Jr. Demonyo, no.1 hitman ng ‘Balong drug group’ na nag-operate Metro Manila.
Magsisilbi sana ang mga awtoridad ng warrant of arrest sa kasong 2 counts Murder na inisyu ni Hon. Jean Marie A. Bacorro-Villena, Presiding Judge, RTC Br 28, Manila, nang mangyari ang engkuwentro 8:40 ng gabi ng Miyerkoles.
Arestado naman ang live-in partner ni Dumdumaya na si Darlene Manapsal at kapatid nito na si Darren Manapsal makaraang mahulihan ng shabu.
Si Dumdumaya ang pumatay sa isang barangay kagawad at 2 MPD police officers.
Samantala, tatlo pang wanted ng batas ang nadakip via warrant sa bayan ng Norzagaray, Marilao at San Miguel, Bulacan na sangkot sa kasong RA 9262, BP22 at 177 counts ng Qualified Theft. (Thony D. Arcenal/James De Jesus)