Advertisers

Advertisers

Dating konsehal na kumandidatong mayor patay sa ambush

0 290

Advertisers

PINAGBABARIL-PATAY ang isang dating konsehal ng bayan sa loob ng sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada sa bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat, Miyerkules ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Ibrahim Kadil Sabiwang, 53 anyos, dating konsehal ng Palimbang, at residente ng Isabela Homes sa Barangay San Isidro, Gen. Santos City.
Sa report, 4:35 ng hapon nang maganap ang krimen habang sakay ang biktima at misis nito na si Kalima ng kanilang itim na Fortuner na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Nunez St., Bgy. San Isidro. Nilapitan sila ng riding in tandem at pinagbabaril ang dating opisyal. Mabilis na tumakas ang mga sakarin patungo sa direksyon ng Purok Malakas Public Market.
Kaagad naman dinala sa Mindanao Medical Center ang biktima pero binawian din ng buhay dahil sa matinding tama ng bala ng kalibre .45 na baril sa kanyang katawan.
Nabatid na ilang beses nang sumabak sa pulitika ang biktima, tumakbo bilang bise-alkalde at pagka-alkalde sa kanilang bayan subali’t hindi pinalad.
Napag-alaman din na may plano pa itong muling sumabak sa 2022 national election.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa krimen ang pulisya.