Advertisers

Advertisers

Yam inamin, matagal nang pantasya si Gerald

0 259

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

LATELY, muling nag-surface sa socmed ang lumang interview kay Yam Concepcion ng King of Talk na si Boy Abunda noong 2012.

Ito ay  kaugnay ng promotion ng kanyang launching movie na “Rigodon” na nag-all out ang aktres.



Ang nasabing movie ay idinirehe ni Erik Matti na nag-frontal nudity si Yam.

Natanong noon ni Tito Boy na kung mabibigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng teleserye sa ABS-CBN, sinong actor ang gusto niyang makapareha.

Walang kagatol-gatol ang sagot ni Yam na si Gerald Anderson ang gusto niyang maging leading man kung magkakaroon siya ng TV series.

Dahil sa muling pang-uungkat na ito, may mga nang-uurot na hindi raw kaya ma-develop si Yam kay Ge.

Pagkatapos ng kanyang markadong pagganap sa mga teleseryeng “Halik” at “Love Thy  Woman”, bida na si Yam sa teleseryeng “Init sa Magdamag” ng Star Creatives.



Fast forward after nine years, natupad na ang pantasya ni Yam na makatrabaho si Gerald sa nasabing serye at meron silang maiinit na eksena ng romansahan.

Dahil sa tag na womanizer ang kanyang leading man na si Gerald dahil sa naging isyu nito sa mga ex, ilang netizens ang nagbabala sa aktres laban sa kanyang  matulis na co-star.

Sa kaso naman ni Yam, ipinagkikibit-balikat na lang nito ang mga warning sa kanya kay Ge dahil alam naman niyang bukod sa committed na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend, para sa kanya, gentleman na katrabaho ang actor.

“Nababasa ko ‘yung mga comments. Nakakatawa at nakakatuwa na makita ‘yung reaction nila. Nakakatawa kasi sabi ng mga netizens, ‘O, Yam, mag-iingat ka kay Gerald, ah!’ Iyon ‘yung mga nababasa ko,”pagbabahagi niya.

***

Kitkat nagparamdam sa kalabang programa

Usap-usapan ang paggue-guest ni Kitkat Favia sa first live show ng “Ït’s Showtime” mula pansamantalang isuspinde ang live airing nito dahil sa lockdown.

Ang host at actress ay naimbitahan para mag-participate sa “Hide and Sing” segment ng nasabing noontime variety show.

Sa challenge sa kanya, kinailangan niyang hulaan kung sino sa tatlong participants ang tunay na recording artist.

Winelcome naman si Kitkat ng hosts ng noontime show na sobrang happy naman sa ibinigay na pagkakataon sa kanya na maging panauhin sa naturang show.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang kanyang pag-apir sa rival show.

Hirit ng ilang bitchy netizens, nagpaparamdam daw si Kitkat sa kalabang programa.

Matatandaang nasibak sina Kitkat at Janno Gibbs sa Happy Time sa Net25 dahil sa kanilang feud at patutsadahan sa social media dahil sa kanilang di kaaya-ayang mga karanasan sa pakikipagtrabaho sa isa’t isa.

Ang Happy Time na kakumpentesiya ng It’s Showtime sa timeslot ay patuloy na umeere na  ang tanging na-retain sa original hosts ay si Anjo Yllana.

Pinalitan sina Kitkat at Janno nina Dingdong Avanzado, Boobsie Wonderland at CJ Hirro.