Advertisers

Advertisers

Carlo idedemanda ang basher ng 7-month old daughter

0 550

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

GRABE ang mga bashers. Kahit baby na wala pang kamuwang-muwang sa mundo ay bina-bash nila, sinabihan nila ng hindi maganda. Tulad ng anak nina Carlo Aquino at Trina Candaza na si Enola Mithi, seven-month old.  Nang i-post ni Carlo sa kanyang IG account ang pic nito ay  hindi  to pinalampas ng isang basher.  Bukod sa sinabihan nito na isang tutang ina si Enola ay binantaan pa niya ito. Ang nakababahalang mensahe ng basher tungkol sa panganay na anak nina Carlo at Trina:

“Ansarap mo namang patayin bata ka. Mukha kang tutang ina Anak ka ng artista pero mukha mo parang tutang ina Gawin kaya kitang punching bag para mawala na yang mukha mo”



Nang mabasa ito ni Carlo ay inalmahan niya ito nang husto.

Sabi ng aktor sa kanyang caption: “full grown adults who makes fake accounts to do this. Ano na ang nangyari sa mundong ito? Papano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo? Magkano sinasahod niyo para gawin ito? Worth it ba?”

Ni-repost naman ni Trina ang post ni Carlo sa kanyang account.

Sabi niya sa caption, “Nakakagalit. mga ganitong klase ng basher mga salot kayo. Puro kayo fake account, pero takot na takot ipakita mga pag mumukha niyo.”

Halatang galit sina Catlo at Trina kaya pinatulan nila ang basher ng kanilang panganay.  In fairness naman kay Enola,  maganda ito, hindi ito pangit. ‘Pag lumaki pa ito, siguradong  lalabas pa ang ganda nito. Gwapo si Carlo at maganda si Trina, kaya saan pa ba ito magmamana ng hitsura di ba?



Nag-text kami kay Carlo kung idedemanda ba nila ang basher ni Enola, ang reply niya sa amin,”ididimanda namin kung may tutulong sa amin na ma-trace yung hayop na yun. May means naman para tumigil na itong pag kutya sa aming mga artista at sa mga batang walang kamuwang-muwang eh pero hindi lang din kami tinutulungan ng sapat.”

Sa tanong namin kung lilimitahan niya na ang pagpo-post ng picture ni Enola dahil sa banta rito, ang sagot niya,”ipopost at ipopost ko ang anak ko dahil mahal ko siya at walang makakapagdiktang basher sa akin kung kailan at saan ko siya ipopost.”

Tama nga naman si Carlo. Siyempre proud siya sa kanyang anak, di ba?