Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
TULUY-TULOY na ang pagiging aktibong muli sa showbiz ng dating Guwapings member na si Jao Mapa. Pumirma siya ng kontrata sa Viva Artists Agency at si Aster Amoyo ang magko-co manage sa aktor.
Kabilang sa proyektong gagawin ni Jao ang sitcom na Puto na pinagbibidahan nina Herbert Bautista at McCoy de Leon, ito ay mapapanood sa TV5.
Saad ni Jao, “I’m getting back to my old family, I was under them before ALV and I get a call from tita Aster, inquiring if I’d like to be managed by her under Viva and I said, ‘Yes’.
Mas magiging active ba siya ulit sa showbiz?
Tugon ni Jao, “Looks like it, I pray everyday and eto, ang daming offers na nagsusulputan.
“I don’t expect to be super active like before in the 90’s, but I guess it’s the new me, more mature, marami nang paghuhugutan sa mga pinagdaanan ko since, they keep asking why I left showbiz, which I never did… But to be given a chance again to prove myself is indeed a blessing”
Maninibago kaya siya sa paggawa ng comedy?
Aniya, “I guess, it’s been quite awhile since I did a comedy. Last was Palibhasa Lalake and that was decades ago, hahaha!
“Medyo kinakabahan nga ako eh, plus this pandemic medyo kinakalawang pa siguro, ‘di ko alam. Balitaan na lang kita kapag nakunan na, hehehe.”
Nagsimula ang career ni Jao bilang commercial model. Taong 1993 nang unang napanood si Jao sa TV nang nag-guest via Ang TV ng ABS CBN.
That same year, ipinakilala ang aktor ng kanyang manager na si Vera Isberto sa namayapang talent manager na si Douglas Quijano at ito ang naging daan para maging mainstay si Jao sa sitcom na Palibhasa Lalake ng Dos, bilang pang-apat na Guwapings member, kasama sina Jomari Yllana, Eric Fructuoso, at Mark Anthony Fernandez.
Si Jao ay graduate ng kursong Fine Arts, major in Advertising sa University of Santo Tomas. Kaya siya ay isa ring mahusay na pintor at isang art teacher din. Siya ay ikinasal kay Cecille at may tatlong anak, sina Benjamin, Caleb, at Amber Marie.
Bukod sa sitcom na Puto, mapapanood din very soon si Jao sa pelikulang Balangiga 1901 na tinatampukan nina EJ Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Rob Sy, Jeffrey Santos, Ramon Christopher, Emilio Garcia, Franco Miguel, at iba pa.