Advertisers
Ni WALLY PERALTA
ISINELEBRA ni Karylle kamakailan ang kanyang kaarawan sa noontime show nilang “It’s Showtime”.
Halos kasabay na rin ang selebrasyon ni Vice Ganda. At nang magbigay na ng mensahe si Vice para sa co-host at kaibigan ay nangilid ang luha ni Karylle.
“Karylle is just beautiful inside and out. Totoo yung sinasabi ni Amy Perez, wala siyang masamang tinapay. Marami kang sablay pero walang masamang tinapay. Yun yung mga sablay na patatawarin mo talaga kasi, walang masamang intensyon yun.
“And, I love you just the same. Weird ka in a beautiful way. Weird ka in a not so beautiful way. May mga pagkakataon dito na iniisip ko, ano kaya tumatakbo sa isip ni Karylle? Kaya nga weird ang tawag nyo sa kanya kasi minsan di nyo nage-gets,” say ni Vice.
Naging malalim din ang pagkakaibigan nina Karylle at Vice Ganda, naging open sila sa isa’t isa. Pero may mga bagay din na ‘di sinasabi ni Karylle kay Vice. Nasasaktan kaya si Vice sa ganitong set-up ng kaibigan?
“I’m sure may bagay kang ‘di shine-share sa amin. May mga pinagdadaanan kang hindi namin alam na pinagdadaanan mo sa sarili mong paraan. Kung ano man yang nasa isip mo, anuman mga wishes mo, mga plano mo sa buhay kahit di namin alam, matupad sana lahat,” say pa ni Vice.
At sa huli ay isang ‘patamang’ statement ang sinabi ni Vice kay Karylle na tila may pasaring sa mga taong pinagsabihan din ni Vice pero di tumupad sa usapan.
“Wag mo kaming iiwan, K ha?” saad pa ni Vice.
***
IMBES na gugulin ni Jake Ejercito ang kanyang bakanteng oras para magliwaliw o makipag-bonding sa mga kaibigan o kamag-anak ay tila mas feel nito na magpalipas ng libreng oras kasama ang anak niya kay Andi Eigenmann na si Ellie.
Halos ilang linggo palang matapos bumalik ng Manila si Jake at nag-spend ng maraming araw sa Siargao kasama ang anak ay muling nagbalik si Jake roon para kunin ulit ang anak at magkaroon sila ng quality time na mag-ama sa Manila.
“I went there just to pick her up para sunduin siya, kasi nga considering si Andi may bagong baby. She has Lilo also. Mahihirapan siya kung siya pa ang magdadala dito kay Ellie.
So nakiusap sa akin si Andi kung puwede ko sunduin si Ellie and that’s what I did,” saad ni Jake.
Kumusta naman kaya ang relasyon nila ngayon ni Andi bilang co-parenting kay Ellie?
“Andi and I, yung relationship naman namin when it comes to co-parenting, hindi naman naging smooth lagi and hindi naman siya smooth ever since. Marami kaming pinagdaanan na phases. Siyempre before, immature pa kami and everything. So medyo malayo din yung nilakbay bago naging ganito ka-settled and smooth.
“May times na kapag magulo, siyempre nakikita ko kay Ellie na nahihirapan din siya. And what’s good about now is parang kasi ang priority namin is yung what’s good for Ellie. So nakikita ko sa kanya na hindi na siya nahihirapan, smooth lahat, okay yung communication,” sey pa ni Jake.