Advertisers

Advertisers

Julie Anne San Jose, relate sa character niya sa Heartful Café

0 527

Advertisers

Ni BKC

MAY pagkakatulad daw si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa kanyang karakter sa upcoming Kapuso romantic-comedy series na ‘Heartful Café.’

Tampok sa serye ang fresh team up nina Julie Anne at ng Kapuso heartthrob na si David Licauco.



Iikot ang kwento ng Heartful Café kay Heart Fulgencio (Julie Anne), isang hopeless romantic at online romance novelist na may-ari ng coffee shop na ‘The Heartful Café.’ Dadating sa kanyang buhay si Ace Nobleza (David), ang businessman na tutulong kay Heart upang maisalba ang naluluging coffee shop.

Kuwento ni Julie Anne, marami raw silang pagkakatulad ng kanyang karakter, “Si Heart at si Julie, parehong masayahing tao. Gusto nila na may napapasayang tao. Hard-working at serious sa craft. Heartful Cafe is a romcom so nakakatuwa ‘yung character ko dito. Easy-going lang siya. Naa-apply ko ‘yung kakulitan ko dito na not everybody knows po.”

Kakaiba rin daw ang pag-arte niya bilang si Heart sa pagkanta o hosting, “Acting as Heart is different from singing or hosting kasi on stage dapat eksakto sa kailangan sa iyo. Sa Heartful Café, mas kenkoy at mas natural, mas okay.”

Samantala, makakasama rin nina Julie Anne at David sa Heartful Café sina EA Guzman, Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Ayra Mariano, at Victor Anastacio.

Abangan ang nakakakilig na love story nina Heart at Ace sa Heartful Café, simula April 26, weeknights pagkatapos ng First Yaya, sa GMA Network at GMA Heart of Asia.



***

Delivery service business ni Dingdong Dantes, malaking tulong sa mga nawalan ng trabaho

“Professional malasakit” at its core, ika nga ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang ino-offer sa kanyang newest venture, ang delivery service na DingDong.

Para kay Dingdong, ang proyektong ito ang kanyang tulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya partikular na sa mga kasamahan niya sa entertainment industry.

“Sinabi ko noon sa sarili ko na pag dumating ang panahon na may kakayahan na akong tumulong sa iba, pagtatapusin ko ang mga kapatid ko sa pag-aaral at sisikapin ko rin makatulong sa iba,” ani Dingdong sa virtual launch ng DingDong delivery.

Sa pamamagitan ng DingDong, madaling mapapadala ng small business owners ang kanilang products sa kanilang customers. Ang mga riders nito ay dumaan sa masusing training para mapa-experience sa bawat customer nila ang “professional malasakit.”

“With the pandemic, the time is ripe to open new doors for other members of the society. And that is by providing sustainable livelihood opportunities. Taking inspiration from my delivery experience sa flower shop ng aking asawa, we started by working with riders from the entertainment industry to help us urgently dahil alam namin na sobrang necessary ng tulong sa kanila dahil ang entertainment industry ang isa sa pinakatinamaan sa panahon ngayon,” saad ni Dingdong.

Sa ngayon, ang DingDong ay marami nang natutulungan na iba’t ibang indibidwal at small business owners. Para sa karagdagang impormasyon sa DingDong Delivery, bisitahin lang ang www.dingdong.ph.