Advertisers

Advertisers

AFP chief inirekomenda ang pagpapatayo ng mga istruktura sa West PH Sea

0 194

Advertisers

INIREKOMENDA ng Armed Forces of the Philippine (AFP) ang pagpapatayo ng mga istruktura sa West Philippine Sea upang maprotekhan ang teritoryo ng bansa sa patuloy na pananakop ng China.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen Cirilito Sobejana, nasa pagpapasiya ng National Task Force- West Philippine Sea (NTF-WPS) kung aaprubahan ang kanilang rekomendasyon.
“We are also entertaining the idea, of course subject to the wisdom of NTF-WPS, na magtatayo ng istruktura sa naturang lugar katulad ng ginagawa rin ng China. Kasi ang dahilan kung bakit hindi tayo nagtatayo diyan nu’ng araw kasi may napag-uusapan na wala dapat magpatayo,” ani Sobejana.
“Subalit, iyon ay nilabag ng China. Kaya dapat tayo, magpatayo na tayo starting now. And again, that is subject to consideration of NTF-WPS,” dagdag ni Sobejana.
Kabilang sa mga istruktura nais maitayo ng AFP ang pagkakaroon shelter sa mangingisda, cold storage facilities at lighthouse.
Sinabi ni Sobejana na ginagawa nila ang lahat ng mga pamamaraan upang mapalakas posisyon ng bansa sa pinag aagawang teritoryo.
“China-challenge natin sila na teritoryo natin ‘to, nandito kayo sa exclusive economic zone namin, dapat kayong umalis. At ganoon din ang challenge na ginagawa nila sa ating mga sasakyang pandagat.”
Tiniyak naman ni Sobejana na ginagawa nila ang lahat ng mga pamamaraan upang matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga mangingisda.
Nanawagan si Sobejana sa mga mambabatas na dagdagan ang kanilang “modernization fun” upang makabili ng mga sasakyan pandagat at iba pang mga kagamitan. (Mark Obleada)