Advertisers

Advertisers

Agreement ng Pinas at China sa pangingisda sa WPS, itinanggi ng Malakanyang

0 192

Advertisers

TINIYAK ng Malakanyang na walang basehan at haka-haka lamang ang mga report na umano’y verbal fishing agreement sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping, pati na sa pananatili ng Chinese vessel sa West Philippine Sea.

Sa kabila ng araw-araw na diplomatic protest na inihahain ng Department of FOREIGN Affairs (DFA) laban sa China ay hindi pa rin umaalis ang mga Chinese vessel sa Julian Felipe Reef at sa ilan pang mga isla sa Spratlys.

Saad ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang isang fishing agreement ay maaari lamang ipatupad sa pamamagitan ng isang tratado.



“There is no truth to the speculation of a purported ‘verbal fishing agreement’ between President Duterte and Chinese President Xi Jinping, nor that Chinese vessels were encouraged to stay in the West Philippine Sea despite the diplomatic protest and strongly worded statements of Philippine government officials,” ani Roque.

Giit pa ni Roque na kailangan ang isang pormal na kasulatan at hindi verbal para sa ano pa mang kasunduan.

“A treaty is an international agreement concluded between states in written form. Clearly a treaty must be in writing. No such treaty or agreement exists between the Philippines and China,” dagdag ni Roque.

Paniguro ni Roque na hindi aniya papayagan ni Pangulong Duterte ang illegal na pangingisda ng anumang bansa sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Nilinaw naman ni Roque na ang pinapayagan lamang ay mga non-commercial na pangingisda bilang pagtalima sa traditional fishing rights na nakapaloob sa ruling ng arbitral tribunal.



Hinimok ng Malakanyang ang mga kritiko na tigilan na ang mga ispekulasyon na lalong nakapagpapainit sa isyu ng West Pilippine Sea. (Josephine Patricio)