Advertisers

Advertisers

MECQ sa NCR ‘wag munang alisin – Octa Research

0 191

Advertisers

INIREKOMENDA ng OCTA Research Group sa pamahalaan na huwag munang alisin ang ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila hangga’t hindi bumababa ang reproduction rate ng covid infection.

Ayon kay Fr. Nicanor Austriatico, dapat mas mababa sa 1 ang reproduction rate ng ilang linggo upang masabi na bumaba na ang covid cases.

Sa kasalukuyan ay nasa .99 ang reproduction rate sa Metro Manila.



“We urge the national government, as one possible benchmark for changing quarantine levels, is not to exit MECQ (modified enhanced community quarantine) until at least the R is less than 0.9 in a sustained manner,” sabi ni Austriaco.

Samantala, ayon kay Prof. Guido David, “unstable” pa rin na maituturing ang sitwasyon ng covid dahil may ilang LGUs na bumaba ang covid cases subalit may ilan din na tumataas.

Ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan ay nasa ilalim ng MECQ hanggang sa katapusan ng Abril. (Jonah Mallari/Andi Garcia)