Advertisers
DAPAT ihatid na lang ng house to house ang mga pantry goods upang hindi na dumagsa ang mga tao sa mga inoorganisang community pantry.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman B/Gen. Ronaldo Olay, suportado niya ang panukalang ihinto na ang mga community pantry at ihatid na lang direktiba sa mga bahay ang mga donasyon.
Aniya, kasalukuyang nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) pa rin ang Metro Manila at ilang karatig lugar kaya bawal pa rin lumabas ang mga tao, lalo na ang mga senior citizens.
Iniiwasan kasi ng PNP na maulit ang insidente kung saan nasawi ang isang senior citizen habang nakapila sa Community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin sa Quezon City.
Ipinag-utos na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang insidente bagama’t nag-sorry na si Locsin at nangako na tutulungan ang pamilya ng nasabing senior citizen. (Jonah Mallari)