Advertisers

Advertisers

MAHIGPIT NA CURFEW VS COMMUNITY PANTRY

0 279

Advertisers

INATASAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na mas paigtingin ang pagpapatupad ng curfew dahil marami ang lumalabag dito upang mauna sa pila sa mga Community Pantry.

Ayon kay DILG Spokesman Jonathan Malaya, tila nakakalimot ang publiko na epektibo pa rin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at bawal lumabas ang mga senior citizens at 18 anyos pababa.

Magugunitang isang senior citizen ang namatay matapos pumila sa Community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin.



May ilan din ang natiketan matapos pumunta ng madaling-araw sa Community pantry sa Teachers Village.

Dahil dito, inatasan ng DILG ang PNP na mas higpitan ang pagpapatupad ng curfew dahil nakakapagtaka umano na madaling- araw pa lamang ay dagsa na ang mga pila sa Community pantry.

Paliwanag pa ni Malaya, dapat limitado lang sa isang barangay o komunidad ang Community pantry, at hindi maaring dagsain ng mga taga ibang lugar. (Jonah Mallari)