Advertisers
NASAWI ang isang barangay tanod nang hampasin ng bato sa ulo ng pamangkin sa Barangay Malapad, Cogon, Sigma Capiz, Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Digno Olithao, 53 anyos at residente ng lugar.
Sa imbestigasyon ng Sigma PNP, nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa suntukan ang magtiyo habang naglalakad kasama ang isang kaibigan
Sa gitna ng pagtatalo, nakakuha ng bato ang pamangkin at hinampas ito sa ulo ng tiyo. Sa lakas ng pagkakahampas ay bumagsak ang biktima at nawalan ng malay.
Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng doktor dahil sa malubhang sugat sa ulo.
Napag-alaman na nakainom ng alak ang magtiyo nang mangyari ang insidente.
Kaagad namang nahuli ng mga rumespondeng awtoridad ang salarinat nakatakdang sampahan ng kasong homicide.