Advertisers

Advertisers

Doctors sa Ivermectin pinaiimbestigahan sa PRC at FDA

0 245

Advertisers

INATASAN ng Department of Health (DOH) ang Philippine Regulatory Commission (PRC) na imbestigahan ang mga doktor na nagreseta ng gamot na Ivermectin sa mga covid patients sa Quezon City noong nakaraang linggo.
Ito ay sa kabila ng batas na nagbabawal sa paggamit ng gamot na hindi rehistrado sa Food and Drugs Administration (FDA).
Sinabi ni Department of Health (DOH) Spokesman Ma. Rosario Vergeire na naipadala na ang liham sa PRC na humihiling na imbestigahan ang mga “invalid prescription” ng mga doktor sa QC na kasali sa aktibidad na inilunsad ng ilang mambabatas.
Samantala, umapela si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na huwag parusahan ang mga doktor at sila na lang ni SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta ang parusahan.
Una nang sinabi ng World health Organization (WHO) na walang sapat na ebidensya na ligtas at epektibo sa covid-19 ang gamot na Ivermectin. (Jonah Mallari)