Advertisers
NANINDIGAN si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na hindi tatalima ang Pilipinas sa annual fishing ban ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang inihayag ni Esperon ukol sa fishing moratorium na ipinapairal ng Beijing mula pa noong 1999, kung saan simula Mayo 1 hanggang Agosto 16 ay hindi maaaring pumalaot sa kanilang mga soberenya na bahagi ng dagat.
Saklaw umano nito ang buong South China Sea, kung saan ang pinagbabasehan higanteng bansa ay ang “nine dash line.”
Katwiran ni Esperon, hindi sakop nito ang mga barkong pangisda ng mga Filipino dahil hindi naman tayo nagpapasailalim sa naturang bansa at may sarili tayong teritoryo.
Magugunitang pinayuhan ng pamahalaan ang mga mangingisdang Pinoy na ipagpatuloy ang paglalayag sa nasabing parte ng karagatan, para mapakinabangan ang yamang dagat na matatagpuan sa nasabing lugar. (Josephine Patricio)