Advertisers

Advertisers

P 40.7m marijuana sinira sa Kalinga

0 367

Advertisers

NAGKAKAHALAGA ng P40.7 million ng marijuana ang sinira sa tatlong araw na operation ng mga awtoridad sa Kalinga Province.
Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, isinagawa ang 3 araw na operasyon ng PNP-Drug Enforcement Group Special Operation Unit, Philippine Drug Enforcement Agency-CAR, Tinglayan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit Kalinga Police Provincial Office, Regional Intelligence Division PROCOR, Provincial Intelligence Unit KPPO, Regional Drug Enforcement Unit, 1st KPMFC, 2nd KPMFC, 1502 RMFB15, 1503 RMFB15, Pinukpuk Municipal Police Station, Tanudan Municipal Police Station at Pangasinan Provincial Police Office sa bulubundukin bahagi ng Mt. Chumanchil, Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga Province.
Sa unang marijuana plantation na may 300 sqm, sinira ng mga otoridad ang 2,400 puno ng fully grown marijuana plant na nagkakahalaga ng P480,000,00; 125 kilos ng marijuana dried leaves na nasa P15,000.000; 60 kilos ng MJ seed na nasa P1,500,000;15 kilos MJ stalks na nasa P1,800,000; 40 kilos MJ dried leaves nasa P4,800.000.
Sa pangalawang plantation na may land area na 8,200 sqm, umabot sa 82,000 pcs ng FGMJP na nagkakahalaga ng P16,400,000 ang sinira.
Habang sa pangatlong plantation na mayroon 400 sqm, sinira ng mga otoridad ang 4,000 pcs ng FGMJP na nagkakahalaga ng P800,000.
Sa kabuan, umabot sa 88,400 marijuana FGMJP, 165 kilos dried marijuana plant, 60 kilos marjuana seed at 15 kilos marikuana stalks ang sinira mula sa kabuan 8,900 square meters marijuana farm. (Mark Obleada)